Carlo Aquino aminadong pinaasa lang si Angelica Panganiban

Hindi man direktang inamin pero sinabi ng aktor na si Carlo Aquino na may kasalanan siya sa naudlot na relasyon nila ng dating kasintahang si Angelica Panganiban.

Sa isang panayam sa Tonight With Boy Abunda nitong Lunes ng gabi, Oktubre 7 kay Carlo ay inusisa ito ng host sa naging pasaring ni Angelica kay Carlo na hindi ito nag-e-exist.

Sabi ni Aquino nirerespeto niya ang tinuran ni Angelica.

Karapatan aniya ni Angelica na magsalita ng kung ano ang kanyang nararamdaman.

Nang tanungin si Carlo ng host na si Boy Abunda kung pinaasa ba nito ang aktres kaya ganun na lamang ang galit nito sa aktor.

“Siguro,” ang makahulugang sambit ni Carlo.

Pero paliwanag ni Aquino, dumistansya siya kay Angelica dahil ayaw na niya itong saktan.

Inamin din ni Carlo na ang nobyang Trina Candaza ang dahilan ng pag-iwas niya kay Angelica.

Gayunman ay nilinaw ni Carlo na bago pa sila muling nagsama sa pelikula ni Angelica ay nanligaw na siya kay Trina pero nawala umano ang huli kaya naudlot hanggang sa muli itong magparamdam at naging sila na sa kasalukuyan.