Cardinal Tagle binigyan ni Pope Francis ng Vatican post

Cardinal Tagle & Pope FrancisItinalaga ni Pope Francis si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle bilang pinuno ng isa sa pinakamataas na kongregasyon sa Vatican.

Ang appointment ni Cardinal Tagle bilang bagong prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples ay inanunsyo kahapon ng Vatican.

“… Vatican department responsible for the spread of the Catholic faith throughout the world through its missionary works and related activities,” bahagi ng tungkulin ni Cardinal Tagle.

Ang bagong posisyon ni Cardinal ay tinatawag ding “Red Pope”, na ang katumbas na posisyon ay Cabinet secretary ng Roman Pontiff.

Mayroong siyam na congregation sa Vatican at ang mga namumuno sa departamento ay kadalasang nakabase sa Roma.

Papalitan ni Tagle si Cardinal Fernando Filoni, na iniluklok namang Grand Master ng order of the Holy Sepulcher.

Si Cardinal Tagle ay apat na taon nang chairman ng Episcopal Commission for the Pontificio Collegio Filippino ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.