Cara Delevingne, Ashley Benson hiwalay na

Cara Delevigne Ashley BensonHiwalay na sina model Cara Delevingne at Pretty Little Liars actress Ashley Benson.

Mahigit dalawang taon rin nag-date ang dalawa, at isang taon isinapubliko ang kanilang relasyon.

Naging mag-live in partners din ang dalawa.

Matapos ang kanilang breakup, hindi na makikita ang pictures ng isa’t isa sa kanilang social media accounts.

Wala pang komento ang dalawa tungkol sa dahilan ng kanilang hiwalayan.