Camiguin naitala ang 1 kaso ng COVID-19

Ang lalawigan ng Camiguin ay nagtala ng kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Sa Facebook page ni Governor JJ Romualdo, sa video post sinabi nito na ang unang pasyente ng COVID-19 sa Camiguin ay bumiyahe sa Maynila para sa isang conference.

Matapos bumalik sa probinsiya ay isinailalim ito sa 21-day quarantine dahil napag-alaman na mayroong nagpositibo sa COVID-19 sa conference na kanyang nilahukan.

Inilagay na sa Preemptive Community Quarantine ang Camiguin nitong Marso 23 sa bisa ng EO 15 na inisyu ni Romualdo.