Cameron Diaz nag-post ng kanyang 1st selfie

Isa si Cameron Diaz sa mga Hollywood stars na hindi active sa kanilang social media accounts at pinili ang pribadong buhay kasama ang kanyang asawa na si Benji Madden.

Nitong Miyerkoles, nagpost ang aktres ng kanyang first selfie sa loob ng apat na taon!

Cameron Diaz selfie

Ang huling picture ng kanyang sarili na ipinost niya ay noong 2016 pa.

Ang selfie na kanyang pinost ay kuha habang nasa sitdown interview siya kasama ang kanyang longtime makeup artist Gucci Westman.

Dahil sa rare occasion mag-post si Cameron, kahit ang kanyang celebrity friends na sina Drew Barrymore at Gwyneth Paltrow ay nag-comment sa nasabing post.