California College President isang Fil-Am

Isang Fil-Am ang nagpamalas ng husay sa larangan ng edukasyon sa California.

Ito ay kinilalang si Dr. Rowena M. Tomaneng, kasalukuyang presidente ng Berkeley City College (BCC) at halos may 25 taon nang guro sa California Community College System bago  itinalagang President ng San Jose City College.

Rowena Tomaneng
Dr. Rowena M. Tomaneng (Twitter)

Sa naging panunungkulan ni Tomaneng sa BCC, mas pinahusay niya ang Undocumented Community Resource Center at Learning Communities.