Wala nang iisiping panggastos sa nalalapit na Pasko ang libu-libong miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) sa bansa matapos na pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order no. 94 na nagtatakda ng P2,000 para sa kanilang buwanang allowance.
Retroactive ang allowance dahil noong buwan ng Hulyo pa ito epektibo kaya may limang buwang kukubrahin ang mga CAFGU.
Pasok sa benepisyong ito ang mga CAFGU na nasa listahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Kaugnay nito ay naglabas ng direktiba ang Pangulo sa Department of Budget (DBM) at Department of National Defense (DND) para maglabas ng guidelines sa implementasyon ng EO.