Bureau of Plant Industry namigay ng libreng vegetable seeds

Bureau of Plants DAAng Bureau of Plant Industry (BPI) ay namigay ng mga libreng vegetable seeds sa mga mamimili ng Kadiwa ni Ani at Kita sa Agricultural Training Institute (ATI) Elliptical Road, Quezon City, noong Abril 3, 2020.

Ang nasabing aktibidad, ay bahagi ng Plant, Plant, Plant Program ng Department of Agriculture na naglalayong pataasin ang food adequacy ng bansa sa gitna ng COVID-19.

Ang BPI sa pangunguna ng Crop Research and Production Support Division (CRPSD) ay namamahagi ng libreng buto at pananim, gayun din ang pagtuturo ng dagdag kaalamanan at payong teknikal para sa pagtatanim ng mga gulay kahit sa maliit na espasyo, o mas kilala sa tawag na Urban Agriculture.

Sa kabila ng umiiral na Enhanced Community Quarantine na ipinatutupad sa Luzon at iba pang probinsiya, sa Urban Agriculture, makakasiguro ang bawat pamilya na may sapat at ligtas na ihahaing gulay o prutas sa hapag kainan.

Makakatulong din ito upang magkaroon ng dagdag libangan ang bawat miyembro ng pamilya na nasa loob ng kani-kanilang tahanan, at mapapalakas ang kanilang resistensya at kalusugan.

Ang libreng buto ay maaring makuha sa mga tanggapan ng Bureau of Plant and Industry sa Malate at Quezon City, gayundin sa BPI Centers (Baguio, Los Banos, Guimaras, La Granja and Davao).

Para sa mga nakatira sa Probinsiya, maaaring magtungo sa mga DA Regional Field Offices and LGU’s upang mabigyan ng mga libreng vegetable seeds.

Source: Josephine L. Babaran, Philippine Information Agency/Bureau of Plant Industry, April 7, 2020