Ayaw pasapaw ng Filipino community sa iba’t ibang panig ng daigdig sa kinasasabikang bagong produkto ng tinaguriang Pambansang Bubuyog o ang Jollibee na buko pie.
Kahapon, Oktubre 15 ay inilunsad ng Jollibee Corporation ng bilyonaryong si Tony Tan Caktiong ang buko pie na kahilera ng panghimagas na mga produkto nitong peach mango pie, ube, choco mallows at tuna pie.
Nasiyahan ang mga costumer ng Jollibee sa bagong produkto ng isa sa nangunguna at paboritong food chain ng mga Pinoy.
Sa Facebook page ng Jollibee ay mababasa ang hirit ng mga costumer gayundin ang kanilang magandang karanasan sa pagbili ng buko pie.
Mabibili ito sa halagang P30 isa.
Sa NCR, Luzon una itong inilunsad at isusunod sa mga sangay ng Jollibee sa Visayas at Mindanao sa Oktubre 28.
Kaya naman agad na humirit ang mga suki ng Jollibee sa iba’t ibang bahagi ng mundo para matikman din ang napakasarap na buko pie.
Narito ang hirit ng ilang netizens sa Jollibee;
Joseph Burgos
Can jollibee pls bring this here in Vegas? Lol
RE Bacit
Does jollibee do international delivery? I lived all the way to NZ and we Filipinos crave. All we can do is imagine it in our heads on how amazing jollibee is and the taste and smell of it.
Mary Ann Laygo Nievera
Awwww how about us locations???
Jandilyn Wong
Will it be available in Illinois?
Etchie Rosales
When in USA looking forward to get some
Belen Chu Calderon
How about in Toronto??? Hopefully this year please
Lynette Lin Ranjo
Daddy Jun mas masarap pa din ung peach mango pie at tuna pie
Norberto dela Cruz
Will this be done internationally? Bored na kami sa Peach Mango Pie dito sa California. Kahit Choco Mallow or ito lang. Please!!!!!!!
Ramcresh Vatresh
Pls make same tuna and buko pie in qatar.