Buboy Villar may Silver Play Button na

Natanggap na ni Buboy Villar ang bagong achievement ng kanyang YouTube channel.

Sa recent vlog ni Buboy, nag-unboxing siya ng kanyang Silver Play Button, na ina-award lamang sa mga content creatos na mayroong 100,000 subscribers.

Buboy Villar YouTube

Dalawang buwan pa lamang ng gawin ni Buboy ang kanyang channel ngunit mayroon na siyang 224,000 subscribers.

Nagpasalamat naman ang Kapuso actor sa walang sawang suporta ng kanyang fans.

Sa kanyang mga vlogs, pinapakita ng aktor ang kanyang pamilya at ilang behind-the-scenes sa kanyang tapings.

Kasal si Buboy sa kanyang American wife na si Angillyn Serrano Gorens at may dalawang anak lalaki.