Makakahinga na nang maluwag ang mga die-hard BTS fans dahil walang katotohanan ang mga nababalitang papasok na sa mandatory military service ang isang miyembro ng grupo.
Sa ulat, nag-isyu ng paglilinaw ang Big Hit Entertainment para pasinungalingan ang mga kumakalat na balita na isa sa BTS ang papasok sa military ngayong taong ito.

“We don’t know why this kind of story has come up, but the reports of enlistment this year are false,” ayon sa ipinalabas na pahayag ng agency na namamahala sa BTS.
Kumalat ang balitang papasok sa military ang isang BTS dahil sa pahayag ng National Assembly member na si Ahn Min Suk na siya ring chairman ng Committee for Culture, Sports and Tourism ng Korea na nagsabing: “It seems like one of the BTS members is going to the military this year.
It appears as though it has been decided to not give special treatment regarding military service to pop culture artists.”
Pero ngayong nilinaw na ng agency ng BTS na walang papasok sa militar sa grupo ngayong taon, puwede nang kumalma ang mga kinabahang fans.