Isa si singer Lea Salonga sa big fan ng BTS, ang global K-pop boy brand group na tumulong sa kanyang mental health.
Sa Q&A session on Twitter na may hashtag #AskMissLea, sinagot ng Broadway icon ang fill-in-the-blank question na “BTS is…” “BTS helped save my mental health,” sagot niya.
Hindi ito ang unang beses na sinabi ng veteran singer-actress na nakatulong ang banda to keep her sane, lalo na ngayong pandemic.
Unang naging fan si Lea ng BTS ng mapanuod niya ang New Year’s Eve live performance ng kantang DNA sa New York Times Square.
Simula noon ay hindi na tumigil ang singer na ibahagi ang admiration niya sa BTS on social media.