Wagi na naman ang BTS pagdating sa idol boy groups ranking para sa buwan ng November!

Sa inilabas na resulta ng Korean Institute of Corporate Reputation, ang top boy group pagdating sa brand value ay BTS. Nakakuha ang BTS ng total points na 19,549,515.
Tumaas pa ito kumpara sa nakuha nilang puntos noong nakaraang buwan na 13,209,186 points.
Nasa second place naman ang EXO na may nakuhang total na 4,322,578 points.
Nasa ikatlong puwesto ang NU’EST na may 2,947,613 points total. Mula sa 4th hanggang 10th place ay ang mga sumusunod: Super Junior, Big Bang, WINNER, SHINee, Seventeen, AB6IX, and NCT.