Mabentang-mabenta pa rin ang BTS patunay ang naitatalang album sales nito para lamang sa taong kasalukuyan.
Sa ulat ng AllKpop, umabot sa 5.9 milyon ang albums na naibenta ng BTS ngayong 2019 kung saan nangunguna ang ‘Map of the Soul: Persona’ na nasa 3.7 milyon ang nabenta.

Kabilang sa mga album na ito ang Love Yourself ‘Tear’, Love Yourself ‘Her’, Love Yourself ‘Answer’, Wings, Young Forever, Skool Luv Affair, You Never Walk Alone, pt. 2, Cool 4 Skool, pt.1, Dark and Wild, at O! Rul8 2.
Pero hindi pa umano kasama rito ang Japanese album sales ng BTS kaya pinaniniwalaang umaabot na sa pitong milyong album ang nabenta ng grupo ngayong 2019.