Hindi mo man sila personal na makita, puwede mo namang mai-take home forever ang mga mini-dolls ng iyong BTS idols.
Ang Mattel pint-sized BTS dolls ay mabibili na ngayon at nag-uumpisa nang maubos sa merkado.
Ang bawat BTS doll ay may taas na 3 inches at may stand para madali mo itong mai-display.

Makikita sa mga dolls ang mga cute na cartoon looks ng inyong mga idols na sina V, Jimin, Jin, RM, J-Hope, Suga at Jungkook.
Sa isang pictorial, nagpa-cute pa ang BTS at isa-isa nilang ginaya ang posing at hitsura ng kanilang mini-dolls na lalo namang nagpakilig sa kanilang mga fans.
Ang BTS dolls ay orihinal na nabibili sa presyong USD9.99 bawat isa at kabilang sa mga unang na-sold out sa Amazon ang Jimin mini-doll kaya ibinebenta na umano ito ngayon ng mga third party sa mas mataas na presyo.