Nag-perform ang BTS sa Grammy Awards nitong January 26 sa Staples Center, Los Angeles, California.
Ngunit sobrang disappointed ang ARMYs nang magmistulang backup dancers ang singers ang grupo.
Sa moving stage ng “Old Town Road All-Stars” special performance, nasa likod nina Lil Nas X at Billy Ray Cyrus ang Korean group na nawala na halos sa spotlight.
Umasa ang fans na magkakaroon ng solo stage performance ang BTS dahil sa kanilang performance sneak peak.
Nag-trending ang #BTSdeservesbetter para ipakita ang kanilang disappointment sa award show.