Dalawang beses tinalo ng BTS si Ariana Grande sa katatapos na MTV Europe Media Awards na ginanap sa Seville, Spain nitong November 3, 2019.
Ang BTS ay nominado sa tatlong kategorya: Best Collaboration, Best Live at Biggest Fans.

Panalo ang grupo sa Best Live at Biggest Fans.
Sa Best Live, kasama sa mga tinalo ng BTS sina Ariana, Ed Sheeran, Pink at Travis Scott habang sa Biggest Fans ay tinalo ng BTS sina Ariana, Billie Eilish, Shawn Mendes at Taylor Swift.
Natalo naman ang BTS sa kategoryang Best Collaboration sa kantang ‘Boy With Luv’ kung saan kasama nila si Halsey.