Bride pa-suspense, huminto ng 15 minuto sa aisle

Christine Jimenez brideAng normal na bride-walking-down-the-aisle-moment sa isang kasal sa San Agustin Church ay nabalot ng tensyon ng huminto ang bride sa gitna at tumigil ng mahigit 15 minuto.

Ayaw magpatuloy sa paglalakad ang bride na si Christine Jimenez kahit anong senyas ng wedding coordinator dahil inaantay nito ang kanyang ama na si Angelito.

Ilang beses na umanong tinatawagan ng kaanak ni Christine ang kanyang ama ngunit hindi ito sumasagot.

Makalipas ang 15 minuto, dumating si Angelito at agad na pinuntahan ang kanyang anak na nag-aantay sa kanya.

Naipit sa trapik at hindi agad pinayagang mag-park si daddy Angelito kaya napili nitong mag-taxi at umangkas ng motor para umabot sa kasal ng anak.

Sa huli ay nagkaroon ng happy ending ang dalawang mag-irog.