Bride binenta ang wedding dress para sa frontliners

Binenta ng beauty queen at Instagram influencer Tinjoy Agcopra-Gutierrez ang kanyang wedding dress na ginamit niya noong Disyembre 2019.

Ang nasabing Swarovski-studded gown ay gawa ni renowned designer Val Taguba.

Val Taguba Swarovski gown

Ang pinagbentahan nito ay mapupunta sa medical needs ng mga frontliners ng Southern Philippines Medical Center.

Ilang oras matapos ang pag-anunisyo ng beauty queen, naibenta ang gown sa kalahati ng presyo nito.

Isang single na babae na naghahanap ng kanyang ‘forever’ ang nakabili ng nasabing gown.