Bretman Rock nag-sorry sa pagsayaw sa Lupang Hinirang

Bretman RockMatapos mag-upload ni YouTube sensation Bretman Rock ng kanyang video na sumasayaw sa Lupang Hinirang, nagpaalala ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa lahat na ang katulad na akitibidad ay paglabag sa batas.

Ayon sa NHCP, nilalabag ng dance video ang Republic Act No. 8491 o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines, kung saan kapag tumutugtog ang pambansang awit ay kailangan itong irespeto, tumayo ng tuwid at ilagay ang kanang kamay sa dibdib.

Ang nasabing video ni Bretman ay inupload niya sa kanyang Instagram stories at agad naman niyang binura.

Humingi naman ng patawad si Bretman sa kanyang nagawa sa Twitter.

“Thank you so much for understanding, I can promise you it will never happen again, I take full responsibility and I truly am so sorry,” tweet pa nito.

Si Bretman ay pinanganak sa Pilipinas at lumaki sa Hawaii.

Siya ay sumikat sa kanyang makeup vlogs at hinirang na Beauty Influencer of 2019 ng E! People’s Choice Awards.