Magkakaroon na ng sariling MTV reality show si Youtube beauty vlogger Bretman Rock.
“I’ve been manifesting this since I was a child and we’re finally doing it guys!” anunsiyo ng Fil-Am vlogger na naka-base sa Hawaii.
“I’m a reality star.”
Ipapakita ang kanyang business venture, pagkamatay ng ama at iba pang bahagi ng buhay ni Bretman.
Makakasama ni Bretman sa ilang episodes ang kanyang ina, kapatid na si Princess Mae, at pamangkin na si Cleo.
Nagsimula ang production last year sa Hawaii, kung saan naka-base ang pamilya.
Ilang taon din nanatili sa kanyang hometown sa Cagayan si Rock noong bata pa siya.
Ang six-episode series ay ipapalabas sa Youtube channel ng MTV sa February 8.