Pinaalalahanan ng netizens ang Valenzuela City government na tiyaking malinis ang ginagamit na breath analyzer na ipinatutupad sa mga motorista bilang bahagi ng kanilang ipinatutupad na anti-drunk driving ordinance.
Ayon sa comment ng ilang netizens sa post ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian sa Twitter patungkol sa ipinatupad na breath testing sa anti drunk driving check points sa mga pangunahing lugar dapat ay tiyaking ligtas ang mga sasailalim sa test para hindi magkahawahan ng sakit.
Isa namang netizen ang nagpayo sa alkalde na huwag pagamitin bilang proteksyon ang alkohol dahil baka magpositibo ang susunod na iti-test.