Brad Pitt kasama ang mga anak sa birthday at Christmas eve

Brad PittNaging masaya ang birthday ni Brad Pitt dahil nakasama nito ang kanyang tatlong anak.

Nag-celebrate si Brad ng kanyang ika-56 birthday noong December 18 at nakasama nito ang mga anak na sina Shiloh, Knox at Viviene sa kanyang bahay sa Los Angeles.

May basbas ni Angelina ang pagbisita ng kanilang mga anak kay Brad kaya naman sa bisperas ng Pasko ay muling magkakasama ang mag-aama.

Sa Christmas Day ay uuwi ang magkakapatid sa bahay ni Angelina.

Imbitado rin sa okasyon ang iba pang anak pero walang impormasyon kung bakit hindi nagpakita ang mga ito Sina Shiloh, Knox at Viviene ang mga biological children nina Brad at Angelina hangang mga adopted sina Maddox, Pax at Zahara.