Trending ngayon sa social media ang isang video kung saan ay sumasayaw si Manila Mayor Isko Moreno ng sikat na dance music na ‘Dying Inside’.
Posted by Itchie Cabayan on Wednesday, 23 October 2019
Nangyari ang dance number ni Mayor Isko kasama ang ilang empleyado ng city hall sa inagurasyon ng pinakamalaking dialysis center sa bansa.
Isang netizeng lalaki ang hindi nakatiis na ihayag ang paghanga sa husay sumayaw ni Yorme.
Sabi ng netizen na si Kuya Socrates: Lalake ako pero kinilig ako kay sa pagsayaw ni Yorme. May nagkomento ring nakaka-inlove si Mayor.