Boxing champ Amir Khan inalok ang wedding venue sa COVID-19 patients

Inalok ni dating world boxing champion Amir Khan ang kanyang wedding venue para magamit ng National Health Service ng Britain.

Ang nasabing wedding venue ay may sukat na 60,000 square feet (5,600 square meter) sa kanyang hometown sa Bolton, na handa niyang ibigay dahil sa kakulangan ng bed space sa mga ospital.

Amir Khan wedding venue

“I am aware of how difficult it is for the public to get a hospital bed in this tragic time. I am prepared to give my 60,000 square foot 4 story building which is due to be a wedding hall and retail outlet to the @NHSuk to help people affected by the coronavirus,” tweet ng pinakabatang British olympic medalist.

Ilan pa sa mga sports stars na nagpahatid ng tulong ay sina Roger Federer, Cristiano Ronaldo at Lionel Messi.