Bong Revilla, Lani Mercado hiwalay sa wedding anniv

Nag-celebrate sina Senator Bong Revilla at Bacoor City Mayor Lani Mercado ng kanilang 34th anniversary with a twist.

Dahil naka-self quarantine ang dalawa, pina-practice nila ang social distancing sa gitna ng coronavirus pandemic.

Flying kiss at pagkaway lang ang nagagawa ng dalawa sa kanilang anniversary.

“You’re so near yet so far, malayo man tayo sa isa’t isa Mama, andito ka naman sa aking puso palagi. Social Distancing man, our love will never know any distance. Salamat sa iyong walang katumbas na pagmamahal. Mahal na mahal kita. Happy anniversary, Mama!!! I love you so much!!!” post ng senador sa kanyang Facebook para sa kanyang asawa.

Binati din ni Lani ang kanyang asawa, at inaming nakalimutan ang kanilang anniversary.

“Dahilan na rin sa dinami-daming mga kaganapan, nalimutan kong anniversary natin! Kaya ito, naka-self-quarantine man ako, alam kong maraming taon pa tayong magsasama’t magmamahalan. Happy anniversary Ramon Bong Revilla, Jr.! ”.

Nitong Marso 26, natapos na ni Bong ang kanyang home quarantine na nagsimula nitong Marso 9, habang si Lani naman ay naka-self quarantine pa rin matapos ma-expose sa COVID-19 patient.