Bong Revilla akala katapusan nang magka-COVID

NADAGDAGAN pa ang ipamimigay na tablet ni Senador Bong Revilla. Sa panayam kay Revilla sa DWIZ nitong Sabado ay sinabi nitong nadagdagan ng 400 ang dati nitong target na 1,000 table na ipamimigay.

“1,400 na sa ngayon. Nadagdagan marami tayong mga kaibigan na nalaman na magbibigay tayo ng tablets eh biglang nag-sponsor. In short dumami ng dumami ayan na kaya nakakatuwa,” tsika ni Revilla sa kanyang naisipang proyekto ngayong pandemya.

Sa mga interesadong magkaroon ng tablet, maari aniyang pumunta sa kanyang page at doon makikita kung papaano.

“Pumunta sila sa page ko may link doon, meron din silang pupuntahan, pipirmahan lang ang link… iIalagay kung kanino mapupunta lahat yan nakalista doon….kapag nakakuha ka kasi pwede iregalo sa nangangailangan, kapag nanalo ka ibigay mo sa karapat- dapat,” dagdag ni Revilla.

Hindi aniya first come, first serve basis ang mga tatanggap ng tablet. “Meron tayong randomizer. Computer din ang pipili, para patas talaga,” sabi pa ng senador.

Gaganapin aniya ang draw sa September 20 kung saan mapapanood at iaanunsyo nya sa kanyang FB page, IG at YouTube channel ang mga mananalo. Ginawa nya ang proyekto anang Senador nang tamaan ng COVID.

“Akala ko talaga that’s the end of me, the way of thanking the people sa prayers nila, isip tayo magandang programa, para makatulong sa online learning,” giit pa nito.

“Every year naman pag b-day ko nagbibigay tayo ng tulong sa mahihirap, relief goods, bloodletting, this time because of the pandemic di natin magagawa, so nag isip kami, ito ang sinuggest ng mga bata because of the online learning, at least makapagbigay tayo ng tablet sa mahihirap,” pahayag pa nito.