Nag-evacuate ang buong cast at crew ng pelikulang ‘The Eternals’ na pinagbibidahan ni Angelina Jolie matapos matagpuan ang isang bomba.
Ang ‘The Eternals,’ isang Marvel movie kung saan bida ang mga A-List stars na sina Angelina Richard Madden at Kumail Nanjiani ay sinu-shooting sa Canary Islands na dati umanong ginamit ng mga German bilang military base noong World War 2.
Habang nasa kasagsagan ng shooting, natagpuan ang unexploded bomb.
Agad ipinatigil ang shooting at inilikas ang buong cast at crew sa kalapit na isla.
“The bomb in question appeared to have been there for decades untouched,” ayon sa isang opisyal na nagresponde sa set na nainterbyu ng The Sun.
“Everyone on set was terrified because we didn’t know what would happen if we accidentally disturbed it.”
“Some of the biggest stars in the world were on set and nobody was taking any chances. Fortunately, experts dealt with it.”