
Natagpuang walang buhay ang populat na Indian actor na si Kushal Punjabi sa loob ng kanyang apartment sa Mumbai.
Mismong ang mga magulang ng aktor ang nakadiskubre sa bangkay noong madaling araw ng Biyernes, December 27, 2019.
Natagpuan din ng mga magulang ng aktor ang isang suicide note.
Hindi umano sumasagot sa mga tawag si Punjabi kaya naalarma ang mga magulang nito.
Sa sulat na iniwan ng aktor, nakasaad na walang dapat sisihin sa kanyang pagkamatay.
Ibinilin din nito na ang kanyang naiwang ari-arian at pera ay paghatian ng kanyang mga magulang, anak na lalaki na 3-anyos pa lamang at mga kapatid nyang babae.