Aprubado na ang panukalang P18 dagdag sa arawang sahod ng mga mangagawa sa pribadong sektor sa mga lalawigan sa Central Visayas.
Ito ay matapos na aprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa Central Visayas ang P18 na dagdag sa daily minimum wage ng mga empleyado sa pribadong sektor.
Matapos ang pagpasa sa dagdag sahod ay papalo na sa P404 ang magiging minimum na sahod kada araw ng mga nasa pribadong sektor sa Central Visayas.
Sakop ng Central Visayas ang mga lalawigan ng Bohol, Cebu, Negros Oriental at Siquijor.
Ipinatupad ang dagdag sahod para matugunan ang pangangailangan ng mga empleyado bunsod ng patuloy na paglobo ng bilihin.