Sinagip ng body piercer na si Jonathan “Totie” Casimiro ang security guard matapos itong mag-seizure sa isang supermarket sa Quezon City.
Namimili lamang si Totie sa supermakert ng makita nitong nakahandusay at nangingisay na ang security guard sa sahig.
Wala umanong tumulong sa guardiya kaya hindi ito nag-atubili na tumulong at nagsagawa ng first aid na kanyang natutunan sa health at safety seminars ng Philippine Tattoo Guild (Philtag) at Department of Health para sa mga tattoo artists at body piercers.
Nasa mabuting kalagayan na ang security guard matapos dumating ang medic matapos ang first aid ni Totie.