‘Blues Clues’ magkakaroon ng Pinay lola

Magkakaroon ng season 2 ang Nickelodeon children’s show na ‘Blue’s Clues & You’ na host ang Filipino-American na si Josh De La Cruz.

Ang bagong season ay ang bagong adventures ni Josh at ni puppy Blue kasama ang kanyang new and old friends.

Blues Clues and You

Kasama dito ang appearances ng dating host na si Steve (Steve Burns) at Joe (Donovan Patton).

Isa sa mga bagong character ng show ay si Lola, na ginagampanan ni veteran actress Carolyn Fe, na mas kilala sa pagkanta ng jazz at rhythm & blues.