Blood money kapalit ng buhay ng pinatay na OFW sa Kuwait tablado kay Locsin

Secretary Locsin Kuwait Jeanelyn VillavendeSinupalpal ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang alok na ‘blood money’ kapalit ng pinaslang na OFW na si Jeanelyn Villavende sa Kuwait.

‘I renounce and reject any offer of blood money for her torture/murder. I want two lives for the life they took,” bahagi ng tweet ni Sec Locsin kahapon.

Matatandaang si Villavende ay ang Pinay worker na ginahasa at pinatay ng kanyang mga amo sa Kuwait.

Giit ni Locsin, gusto niyang buhay din ang kapalit ng kinuhang buhay ni Villavende.

Nilinaw din ni Locsin na ang mga tauhan ng DFA ay hindi awtorisado na tumanggap ng “blood money”.

May karampatang parusa ayon sa Kalihim sakaling mahuli ang mga ito.