Tinulungan ng lokal na pamahalaan ang 76-anyos na blind vendor sa Divisoria na nag-viral ang litrato habang nagtitinda ng sili sa bangketa.
Sa tulong ng Department of Sociaal Welfare and Development (DSWD) at ni Kagawad Jeric John Deang sinundo nila ang matanda upang makapiling ang kanyang mga kaanak.
Sa post ni netizen Rhojanna Ronha Dizon, hindi siya mahilig bumibili ng sili ngunit naantig ang kanyang puso ng malaman niyang bulag ang matanda at patuloy pa rin sa pagtatrabaho sa kabila ng kapansanan.
Hindi naman nabigo si Dizon dahil agad naman natulungan ang masipag na vendor.