Sa isang post ni BLACKPINK Rosé, maraming BLINKS ang may suspetsa na ginagawa na nito ang kanyang solo album at malapit na itong ilabas.
Nag-post sa kanyang Instragram account si producer Vince (kilala rin bilang Joe Rhee) ng pictures na nasa recording studio siya.
Mabilis naman nakita ng fans na nag-comment si Rosé ng camera emoji at smiley na naka-shades.
Ilang sandali ay nag-post naman si Rosé sa kanyang Instagram account ng litrato na nakaupo sa isang upuan. Ang background sa likod ni Rosé ay may pagkakahalintulad sa pinost ni producer Vince.
Dito na nagsuspetsa ang fans na gumagawa sila ng bagong album, ngunit wala pang kompirmasyon tungkol dito.
Si Vince ay producer ng hit songs na ‘Gashina’ ni Sunmi at ‘Super Star” ni Gdragon’s. Isa rin siyang rapper, singer-songwriter at composer ng Black Label.
Ang Black Label ay isang record label at subsidiary ng YG Entertainment na siya ring agency ng grupong BLACKPINK.