Blackpink new music video umabot na sa 100M views

Umabot nasa higit 100 million views ang bagong music video at single ng Blackpink na ‘How You Like That’ na naging fastest video to have hundred million views.

Around 2:23 am, Sunday, umabot na sa 100 million views sa loob ng 32 hours ang music video, ayon sa YG Entertainment.

Ang may hawak ng record ay ang BTS noong April 2019 sa kanilang hit single ‘Boy With Luv’ featuring Halsey.

Ang ‘How You Like That’ ay newest single ng Blackpink para sa kanilang first studio album na ilalabas sa September.

Ilalabas ang follow-up single sa July or August.