Blackpink may bagong single ngayong June; full album sa September

BlackpinkOpisyal ng magkakaroon ng full-length album ang K-pop girl group Blackpink sa September.

Inanunsiyo ng YG Entertainment na ang grupo ay natapos na ang recording ng kanilang 10 new tracks at on going na tapusin ang kanilang first official album.

Ayon pa sa YG, may dalawa pang tracks na kanilang ire-release sometime from July to August.

Sa ngayon ay inaantay ng fans ang paglabas ng collaboration song ng grupo kay Lady gaga titled ‘Sour Candy.’

Mahigit isang taon na rin ng ilabas ng grupo ang kanilang EP ‘Kill This Love’ nitong April 2019.

Ang Blackpink ay binubuo nina Jennie, Rose, Lisa, at Jisoo na umaani ng popularity sa international charts.