Blackpink may 5 Guinness World Record

Nakapagtala ng World Record ang Korean pop girl group Blackpink sa music video ng kanilang latest song na ‘How You Like That.’

Nakamit ng grupo ang tatlong titles sa Guinness World Records sa 86.3 million views within 24 hours simula ng release ng music video.

Certified most viewed video, music video at K-pop video ang ‘How You Like That’ sa YouTube sa loob lamang ng 24 oras.

Sa live premiere naman ng music video, nakapagtala ito ng 1.66 million viewers at nakakuha ng dalawa pang Guinness titles na most viewers for the premiere of a video at most viewers for the premiere of a music video on YouTube.

Ang dating record holders ng most viewed YouTube video in 24 hours ay sina Ariana Grande, Taylor Swift at ang Blackpink din sa kanilang kantang ‘Kill This Love.’