Blackpink makeup artist inakusahan ng plagiarism

Isang UK-based makeup artist ang umakusa sa makeup artist ng K-pop girl group Blackpink ng plagiarism.

Si Nushafarin, na madalas i-share ang kanyang makeup looks online, ay nag-post tungkol sa plagiarism ni Maeng, ang long-time makeup artist ng Blackpink.

Nitong nakaraang araw ay ni-reveal ng YG Entertainment ang teaster posters ng grupo para sa kanilang comeback sa pre-released single ‘How You Like That.’

Gusto ni Nushafarin na managot ang YG at si Maeng sa pagkopya ng kanyang pink flame under eye makeup na makikita kay Jennie sa comeback poster ng grupo.

Ang nasabing makeup eye look ay kapareho ng kay Nushafarin, na pinost niya sa Instagram nitong Pebrero.

“I have no problem with people being inspired by my work or recreating them, with credit of course. In fact, it’s very flattering when people feel inspired by my makeup. However, it is unacceptable when a BIG brand like YG, pays an artist to recreate my work, without reaching out to me and not giving me any credit. This is not right and they have had similar incidents with their creative choices in the past,” ayon sa kanyang post sa Instagram.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na statement ang agency tungkol dito.