Blackpink Lisa na-scam ng 1 billion won ng dating manager

Humingi ng paumanhin ang agency ni Blackpink member Lisa matapos ma-scam ito ng kanyang manager ng 1 billion won o mahigit P40 million.

Ayon sa Soompi, nagkunwari ang dating manager ni Lisa na tinutulungan niya itong makahanap ng real estate at ginastos lang ang pera sa sugal.

“After looking into the matter, we confirmed that Lisa was a victim of fraud by former manager ‘A’,” ayon sa statement na inilabas ng YG Entertainment.

Ayon sa YG, gusto ni Lisa ng amicable settlement dahil pinagkatiwalaan niya ang kanyang dating manager.

Nareimburse na ni ‘Manager A’ ang part of the sum ng kanyang naiwaldas at umalis na ng kompanya matapos sumang-ayon sa reimbursement plan para sa nalalabi.

“We are taking preventive measures so that this does not happen again.”