BLACKPINK Lisa magkakaroon ng clothing line

BlackPink Lisa clothing lineMukhang magkakaroon ng bagong project si BLACKPINK Lisa matapos i-register ang kanyang pangalan bilang merchandising labels.

Ayon sa report ng The Pop Hub, ang “Manobal Lalisa” and “Manobal” – ang birthname ni Lisa – ay naka-register for trademark para sa “outer clothing, ready-made clothing; underwear”.

Imbes na ikatuwa, ikinabahala ito ng fans dahil maaaring labag ito sa kalooban ni Lisa, at iginiit lamang ito ng kanyang management company na YG Entertainment.

Bukod sa legal concerns tungkol sa trademark, ang gusto lamang ng fans ay magkaroon ng bagong album ang BLACKPINK ngayong taon.

Noong April 2019 pa ang huling comeback ng grupo matapos i-release ang ‘Kill This Love’ EP.