Blackpink Jennie pinakita ang BTS ng ‘The Show’ sa vlog

Success ang nakaraang online concert ng Blackpink na ‘The Show’ noong January 31.  Kaya masaya ang fans nang ilabas ni Blackpink member Jennie ang behind the scenes ng virtual concert sa kanyang Youtube channel.

Sa four-minute video, pinakita ni Jennie kung paano niya natutunan ang choreography ng new version ng debut song niyang ‘Solo’ from dance studio to on stage.

Bukod sa practice, mayroon ding special appearance si Blackpink Jisoo at Rosé, na magpapatunay kung gano sila ka-close as a group.

Sa video, nakahiga si Jennie kay Jisoo habang nagpe-prepare sa rehearsal.

Makikita din na magkasamang tumitingin ng pictures si Jennie at Rosé para sa solo single ng huli.

Ikatlo ang Pilipinas sa bansang may pinakamaraming concert viewers na nanuod ng ‘The Show,’ ayon sa YG Entertainment.

Sa ngayon ay umabot na sa 10 million views at 1.6 million likes ang nasabing vlog ni Jennie.