Blackpink Jennie, Bigbang G-Dragon reportedly dating

Napapabalitang nagda-date sina Blackpink’s Jennie at Bigbang’s G-Dragon.

Ayon sa report, isang taon ng in a relationship ang dalawa at spotted ang dalawa na ‘secretly’ nagkikita sa bahay ng isa’t isa.

Madalas makita si Jennie na pumupunta sa place ni G-Dragon. Kinumpirma ito ng source na malapit sa dalawa at sinabing marami na ang nakapansin na taga-YG sa relasyon nila.

Alam din ng ina ni Jennie ang relasyon ng anak.

“She’s [mother] thankful that he takes special care of her,” ayon sa source.

Ayon naman sa YG, “We can not confirm anything about our artists’ personal lives. We ask for your understanding.”

Ikinagulat ng netizens ang balita, lalo na ng ‘Daragon’ shippers — that’s Sandara at G-Dragon — at nag-trend with more than 1 million tweets.