BLACKPINK ilalabas ang bagong album next year

Kinumpirma ng YG Entertainment noong Biyernes na magco-comeback ang Korean girl group na BLACKPINK early next year.

Sa naunang report ng media outlet na News1, nagsisimula ng mag-record ng kanilang bagong album ang grupo na ilalabas sa 2020.

Wala pa umanong eksaktong petsa kung kailan ang comeback nina Jennie, Jisoo, Lisa at Rose sa susunod na taon.

Malungkot naman ang fans ng Blackpink dahil sa pag-delay ng comeback ng apat.

Nag-trending sa Twitter ang #BLACKPINKLEAVEYG dahil sa poor promotion sa grupo at sa kinasasangkutang kontrobersiya ng kanilang label company.

Ang huling album na inilibas ng Blackpink ay ang “Kill This Love” noong Abril ngayong taon.