BLACKPINK, first K-pop group na may 1B views sa Youtube!

When it rains, it pours!

Mukhang ganito ang nangyayari sa Blackpink na kahapon lamang ay nakakuha ng tatlong awards sa E! People’s Choice Awards 2019 kung saan tatlong beses nilang tinalo ang BTS.

Black Pink
Black Pink (IG)

Kasabay ng tatlong awards sa People’s Choice Awards na kinabibilangan ng: Group of 2019, The Music Video of 2019 and The Concert tour of 2019, gumawa ng bagong kasaysayan ang Blackpink bilang kauna-unahang K-Pop group na nakakuha ng 1 billion views sa Youtube!

November 11 nang maitala ng DDU-DU DDU-DU ng Blackpink ang 1 billion views sa Youtube makaraan lamang ang may 17 months mula nang ito’y i-release.

Bagama’t ang Blackpink ang kauna-unahang K-pop group na nagkaroon ng 1 billion views sa Youtube pero si PSY pa rin ang kauna-unahang Korean solo artist na nakapagtala ng 1 billion views sa Youtube sa mga kanyang Gangnam Stle at Gentleman.