Blackpink, Bigbang na-postpone ang comeback

Na-postpone muli ang comeback ng Kpop girlgroup Blackpink, kasama na rin ang Bigbang matapos ang kanilang military service, dahil sa coronavirus.

Inaasahang magkakaroon ng comeback ang dalawang grupo ng YG Entertainment sa first quarter ng 2020.

Blackpink 2020

Ayon sa mga report, inusog ulit ng YG ang schedule ng Blackpink sa middle ng second quarter, habang sa Big Bang naman ay sa second half ng taon.

Ito ang pinakamatagal na hiatus ng Blackpink matapos ang mahigit isang taon na walang comeback album.