Biyuda ni Kobe Bryant kinasuhan ang helicopter company

Kobe Bryant Helicopter CompanyNag-file ng kaso ang asawa ni Kobe Bryant laban sa Island Express Helicopters, dahil sa naganap na crash noong Enero na kumitil sa buhay ng NBA legend at kanilang anak na babae.

Inihain ang demanda ni Vanessa Bryant sa Los Angeles Superior Court noong Lunes, kasabay ng memorial celebration ni Kobe at Gianna Bryant sa Staples Center.

Ang kaso ay tungkol sa kapabayaan na humantong din sa pagkamatay ng pito pang tao, kabilang na ang piloto na si Ara Zobayan.