Tuloy ang pag-arangkada ng biyahe ng mga provincial bus, 01 October 2020, mula ROBINSONS STARMILLS (City of San Fernando, Pampanga) patungong Araneta Center Cubao Terminal at vice versa.
Tandaan po natin na tanging residente lamang ng Pampanga at mga nagtatrabaho sa nasabing probinsya ang pahihintulutang makabiyahe.
Kinakailangan din na magpakita ng patunay tulad ng proof of residency o employment sa terminal.
Kailangan din na mas maagang bumili ng bus ticket, na hindi bababa sa 2 araw mula sa petsa ng biyahe.
Ito ay alinsunod sa LTFRB Memorandum Circular No. 2020-051.
Narito ang listahan ng mga bus companies na awtorisadong mag-operate sa nasabing ruta:
Victory Liner First North Luzon Philippine Rabbit RJ Express Mahalagang paalala din para sa mga mananakay na sundin ang mga nakatalagang proseso upang makasakay sa ating mga pampublikong bus.
Mainam din na makipag-ugnayan sa kanilang website o tumawag sa kanilang hotline para sa karagdagang impormasyon at para sa tamang pamamaraan sa pagbo-book ng ticket.