Sumakabilang-buhay na ang bilyonaryong negosyante at pilantropong si John L. Gokongwei Jr. sa edad na 93.
Alas-11:41 kagabi, Nobyembre 9 nang ideklarang patay ang negosyante sa Manila Doctor’s Hospital.
Ang pagkamatay ng matandang Gokongwei ay kinumpirma sa online portal na PEP ng naulilang anak na si Lance Gokongwei.
Si John Gokongwei Jr. ang founder ng JG Summit Holdings Inc.