Bilanggo hinalang namatay sa COVID-19

Isang lalaking bilanggo sa Maynila ang hinihinalang namatay dahil sa coronavirus noong nakaraang linggo.

Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), ang nasabing detainee ay namatay sa sakit sa puso at hypertension, ngunit nakalgay din sa death certificate nito na maaaring komplikasyon din ng COVID-19 ang sanhi.

Bilang tugon, nagsagawa ng tracing ang BJMP at nakitang mayroong 17 bilanggo ang kailangang i-isolate.

Ang isolation center ng BJMP na may 48-bed capacity ay nasa Quezon City ay handa na sa tulong ng International Committee of the Red Cross at Philippine Red Cross.